Julia Montes, halatang kumportable na kay Coco Martin

Julia Montes, halatang kumportable na kay Coco Martin

Coco-Martin-Julia-MontesTAMA LANG naman na hindi muna tutukan ni Julia Montes ang tungkol sa kanyang lovelife sa mga panahong ito, bagkus ay ang kanyang career nga muna ang dapat niyang asikasuhin, dahil siya naman ang nagsasabi na napakahalaga para sa kanya ng kanyang trabaho. Dahil pinangarap naman talaga niya na mula sa pagiging child star noon ay mapansin din naman siya at nangyari nga iyon nu’ng magdalaga na siya.

Hindi naman nakikipagkumpitensiya si Julia sa career ni Kathryn Bernardo, pero kahit hindi naman siya nababakante ay nakauungos na sa kanya ngayon ng kasikatan si Kathryn, lalo pa’t matibay ang loveteam nila ni Daniel Padilla na nangunguna na sa buong showbiz. Medyo kailangan niyang humabol sa kanyang kaibigan dahil milya-milya na ang layo ng kasikatan nila. Pero mas nauuna siyang makilalang aktres, dahil mas mukha naman siyang dalaga kumpara kay Kat.

Walang permanenteng ka-loveteam si Julia ‘tulad ni Kathryn. Pagkatapos ng closeness nila ni Enchong Dee, si Coco Martin naman ang pinakamalapit na lalaki ngayon sa kanya. Halatang kumportable na siya kay Coco, dahil ilang ulit na rin naman silang nagkasama sa teleserye. Hindi naman kasi siya mabilis magtiwala sa mga lalaki, pero bilib siya sa pagiging gentleman ni Coco dahil matagal na rin silang magkakilala.

ChorBA!
by Melchor Bautista