Julia Montes, ‘di isinama si Enchong Dee sa kanyang 18 roses!

ADVERTISING

Julia Montes, ‘di isinama si Enchong Dee sa kanyang 18 roses!Julia Montes, ‘di isinama si Enchong Dee sa kanyang 18 roses!

BLIND ITEM: Sino ang guwapong bagets actor na

ADVERTISING

ito na ang itsura ay akala mo, hindi pumapatol sa bading, pero meron pala siyang isang mayamang gay benefactor, huh!

Aba’y hindi naman namin siya kinokondena diyan, ‘no! Dahil choice niya ‘yan, eh. Hindi rin namin sasabihing mali ang ginagawa niya, dahil wala naman siyang inaagrabyadong ibang tao. Bagkus nagpapaligaya pa nga siya, eh. Hahahaha!

Pero ang gay benefactor niya ay girl na girl pagdating sa kanya. Super seloso raw itong bagets, dahil ‘pag pupunta ito sa condo ng bading ay may-I-text ito na, “Ayoko ng may ibang guys diyan, ha? Mag-aaway tayo!”

ADVERTISING

O, ‘di ba, ang haba-haba ng hair ng bading? Sa magkano naman kayang halaga ‘yon, ‘no? Hahaha!

Anyway, lahat ng gusto ng bagets ay nabibili niya, dahil sa bading na ito.

At sino ba ang bagets na ito?

Ang clue namin?

Ang kanyang pangalan ay present sa pelikula, sa teleserye, sa mga TV shows at bahagi ng production.

Sa twitterworld naman matatagpuan ang kanyang ehem-ehem!

 

Julia Montes, ‘di isinama si Enchong Dee sa kanyang 18 roses!PINOST NAMIN sa aming instagram (@ogie_diaz) at twitter (@ogiediaz) ang bahagi ng imbitasyon sa amin para sa debut ni Julia Montes sa March 19. Ito ‘yung listahan ng mga sasalubong sa kanyang pagkadalaga sa pamamagitan ng 18 Roses, 18 Treasures at 18 Tulips.

Yes, me Tulips na! Hahahaha! Kaya ‘wag na kayong ma-shock kung magkaroon na rin ng 18 Sampaguitas. Charot!

Anyway, dumako tayo sa 18 Roses. ‘Eto ang nasa list: Jerome Ponce, PJ Endrinal, Albie Casiño, Arron Villaflor, Robi Domingo, Sam Concepcion, Joem Bascon, Khalil Ramos, Enrique Gil, Daniel Padilla, Paulo Avelino, Rayver Cruz, Sam Milby, Jake Cuenca, Richard Gomez, John Lloyd Cruz, Coco Martin at Sir Deo Endrinal.

Nakukulangan ba kayo?

Oo nga, ‘no? Parang may kulang? Ba’t kaya wala ang noon ay nanliligaw sa kanya na si Enchong Dee?

Honestly, kami mismo, gustung-gusto naming maging sila. Dahil mukhang matino naman si Enchong, in fairness, kumpara sa ibang guys diyan, ‘no!

Baka nga wala sa listahan, dahil nasa “puso” pala ni Julia?

Hahahaha!

At any rate, ‘kala talaga namin, hindi na kami ii-invite ni Julia, eh. Or else, itatakwil namin siya bilang isa sa mangilan-ngilan naming “anak-anakan”. Hahaha!

I love you, anak! Isa kang anghel sa iyong pamilya, ipagpatuloy mo ang isang pagiging mabu-ting anak, kapatid at apo!

 

ANG CUTE ng “love story” nina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli. Tila happy na happy sila sa isa’t isa habang pinanonood namin ang interbyu sa kanila for Showbiz Inside Report last Saturday.

Halatang naka-recover na si Jessy sa kanyang heartache kay JM de Guzman, huh! Maging si Matteo ay parang na-get-over na si Maja Salvador.

And I’m sure, ayaw na nilang matapos ang Precious Hearts Romance Presents: Paraiso dahil dito nagsimula at nagbunga ang kani-lang pag-iibigan.

Pero ang kabilin-bilinan namin dito kay Jessy noon pa na hinding-hindi niya makalimutan ay ‘wag na ‘wag niyang isusuko ang kanyang bataan. Kung talagang mahal siya ng lalaki, maghihintay ‘yan hanggang sa altar.

‘Yang mga ganyang byuti ay parang Motolite.

Pangmatagalan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING