Julia Montes bagong leading lady ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano’

Leo Bukas

BUKOD sa muling pagsasama sa pelikula ay mapapanood na rin sina Julia Montes at Coco Martin sa telebisyon. Yes, you heard it right dahil pasok na rin si Julia sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin na napapanood tuwing weeknights sa Kapamilya channels.

Coco Martin and Julia Montes
Coco Martin and Julia Montes

Nitong Biyernes, July 30, Dreamscape Entertainment announced that Julia is joining the cast of the ABS-CBN action-drama series FPJ’s Ang Probinsyano bilang bagong leading lady ni Coco.

Ginawa ng Dreamscape ang announcement sa pamamagitan ng social media kung saan makikita ang mga larawan ng aktres na umatend ng story conference at pictorial. The much-awaited reunion of Julia and Coco sa Ang Probinsyano happened after six years. Huling napanood na magkasama ang dalawa sa TV sa Wansapanataym: Yamashita’s Treasures noong 2015.

Bukod kay Julia, pasok din sa Ang Probinsyano sina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Marela Torre, and Joseph Marco.

Meanwhile, ang still untitled reunion movie nina Coco at Julia na kinunan sa Pola, Oriental Mindoro ay idinirek ni Brillante Mendoza. Kasama rin sa pelikula si Raymart Santiago na napapanood din sa Ang Probinsyano.

Taong 2013 naman nang gawin nina Julia at Coco ang Star Cinema moviena A Moment In Time  sinundan naman ng teleseryeng Ikaw Lamang noong 2014.