Julia Montes, ayaw madaliin ang relasyon nila ni Coco Martin

ADVERTISING

Julia Montes, ayaw madaliin ang relasyon nila ni Coco Martin

Julia Montes
Julia Montes

Okey lang kung i-describe ni Julia Montes ang kanyang personal life ngayon. Steady lang daw ito at wala namang pagbabago lalo pa nga’t busy naman siya sa kanyang career at sa afternoon series na “Doble Kara”.

“Okay naman po. Masasabi ko naman na tahimik, masaya and blessed na blessed ako sa lahat ng bagay.”

Eh, paano naman ang puso niya?

“Kayo po, ha?” tila nahihiya niyang sabi.

ADVERTISING

Ano ba ang reaksyon niya kapag iniisip ng marami na may relasyon na talaga sila ni Coco.

“Huwag po nating madaliin. Relax lang po tayo. Nakapi-pressure ang mga tanong n’yo, grabe,” sey niya na natatawa.

Pareho rin ba sila ng panuntunan ngayon ni Coco na work, work, work muna bago ang pag-ibig?

“Opo, kasi lalo po ngayon, ang hirap, especially sa part ko na kambal, ang hirap, baka mamaya, maligaw, ma-destruct, so mahirap po, baka mapabayaan ko ‘yung dalawang karakter,” sagot ng aktres.

Isang taon nang umeere sa ABS-CBN ang “Doble Kara” at lubos na ipinagpapasalamat ni Julia ang naging pagtangkilik ng televiewers sa kanyang teleserye.

“Sobra po akong natutuwa at nagpapasalamat. Hindi ko po ini-expect na tatagal kami nang ganito,” masaya niyang pahayag.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING