Julia Clarete, kinumpirma ang pag-alis sa “Eat Bulaga!”

ADVERTISING

Julia Clarete, kinumpirma ang pag-alis sa “Eat Bulaga!”

Julia-ClareteKinumpirma ni  Julia Clarete na nagpaalam na siya sa “Eat Bulaga!”.

Sa Facebook page ng singer/actress/TV host ay ipinost niya na naka-base na siya sa Kuala Kumpur, Malaysia. Heto ang pinost ni Julia last January 14.

“Nakatira na kasi ako sa Kuala Lumpur ngayon…Pasensiya na kung hindi ako nagkapagpa-despedida man lang.

“Pero hayaan ninyo, kapag naayos ko na ang lahat, babalik ako para magsama-sama tayo. Sa #tamangpanahon.”

ADVERTISING

Nag-sorry si Julia Clarete sa mga fans ng “Eat Bulaga!” dahil hindi siya nakapagpaalam nang maayos sa mga ito.

“Pasensiya na kung hindi ako nakapagpaalam ng mas maaga. Salamat! Magpakabuti kayo lagi!” patuloy pa niya.

Pero may pagkakataon pa ang mga tagahanga ni Julia na mapanood siya dahil may nakatakda siyang show sa 12 Monkeys Music Hall and Bar sa Makati on January 26.

Year 2005 nang maging permanenteng host si Julia ng “Eat Bulaga!”. Naging member siya ng Star Circle Batch 4 na ini-launch noong 1996 ka-batch niya sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Nikki Valdez, Carol Banawa, Dimples Romana, Gerald Pizzaras, at Dominic Ochoa.

Nakasama rin si Julia sa ilang shows ng ABS CBN, tulad ng “Gimik”, “Kaybol”, “Butuing Walang Ningning”, “Sa Puso Ko Iingatan Ka”, at “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Nang maging Kapuso na si Julia, lumabas siya sa mga shows na “Bakekang”, “Love To Love”, “Project 11” at “Hiram na Puso”. Naging grand winner si Julia sa contest ng ABC-5 (pa noon) 2005 na “Hollywood Dream”.

Higit sa lahat, madaling lapitan at hingan ng pabor si Julia. Taun-taon ay may nakahanda itong pa-raffle para sa Christmas party ng PMPC.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING