Julia Barretto, usap-usapan ang reunion ng mga Barretto sa kanyang debut

Julia Barretto, usap-usapan ang reunion ng mga Barretto sa kanyang debut

Julia-BarrettoPINAG-UUSAPAN PA rin ng mga bakla ang debut ni Julia Barretto na ginanap sa Rizal Ballroom ng Makati Shangrila nung nakaraang Martes.

In fairness naman kasi, napagsama-sama niya ang buong pamilya pati ang mga nakasamaan nila nang loob.

Nagkaayos na nga sina Marjorie at Claudine kasama ang pamilya nila, dahil ang kuwento sa amin, bago pa ang debut na ‘yan nagkaayos na raw sina Marjorie at ng magulang niya. Kaya kasama ni Marjorie na dumating doon sa venue ang magulang niyang sina Mommy Inday at Daddy Miguel Barretto.

Nang magkita naman daw doon sina Claudine at ng magulang niya, nagkaiyakan pa raw sila.

Sabi ni Daddy Miguel, matagal na raw niyang ipinagdarasal ito kaya malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na nangyari nga ito.

Pahayag naman ni Mommy Inday, natutuwa raw siya dahil three years na raw ang nakaraan nang huli silang nag-reunion. Kasama pa nu’n si Gretchen Barretto, pero ngayon ay siya lang ang kulang. Kaya “almost complete” lang daw sila sabi ni Daddy Miguel.

In fairness kay Julia, siya raw ang nagplano nitong lahat at gumastos sa tulong siyempre ng ABS-CBN.

Umabot daw ng limang milyong piso itong selebrasyon ni Julia.

Sa gown nga ba naman nito ay napakabongga na gawa ni Michael Cinco. Pero ang narinig ko, ibinigay lang daw ito ni Michael nang libre.

Touching din doon ang pagkikita nang mag-ama. Kahit marami ang nagsasabing parang ginamit lang ni Julia si Dennis Padilla, okay lang sa komedyante dahil anak naman niya ito. At least, naging bahagi raw siya sa debut na ito ng kanyang anak. Ang buong akala raw niya kasi, hindi na siya iimbitahin sa debut ng kanyang anak. Pero hindi yata sila nagkabati roon ni Marjorie, dahil wala sa highlights ng party na kailangan nilang magsama.

At least, positive na ang lahat at wala nang problema sa pamilya. Si Gretchen na lang ang kulang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis