Julia Barretto, umiiwas magpainterbyu

ADVERTISING

Julia Barretto, umiiwas magpainterbyu

Julia-BarrettoHindi na nainterbyu ng press si Julia Barretto after ng presscon ng And I Love You So kaya hindi namin nakuha ang reaksyon niya sa lumabas na balitang madalas silang mag-date ni James Reid.

Sinadya sigurong paiwasin o itago sa press si Julia para hindi magkaroon pa ng isyu at masentro na lang ang promo at publicity between her and Iñigo Pascual na partner niya sa And I Love You So.

Sa last interview namin kay Bret Jackson na bestfriend ni James, tumutugma kay Julia ang description ng binata na ang type na babae ni James ay skinny at medyo maliit. Very Julia, kumbaga.

Pero wala naman kaming nakikitang masama kung may “special friendship” man na nabubuo between JuliA and James dahil pareho naman silang single, huh! Puwede ba nating pagbawalan ang kanilang mga puso?

ADVERTISING

Kung sakali mang makabalita tayo na pinaiiwas na si Julia kay James, it’s because magsisimula pa lang ang airing ng And I Love You So at pangit nga naman na si James ang topic. Gets n’yo?

Anyway, ngayong Lunes na magsisimula ang airing ng And I Love You So na pagbibidahan din ni Miles Ocampo. Kasama rin sa serye sina Angel Aquino, Dimples Romana, at Tonton Gutierrez.

Papalit ito sa afternoon series na Walang Iwanan na nagtapos na nu’ng Friday.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING