Julia Barretto, simula pa lang nega na ang dating

Julia Barretto, simula pa lang nega na ang dating

Julia-BarrettoMARAMING FANS ang nagtanggol kay Julia Barretto sa snubbing issue nito with her dad Dennis Padilla.

To show her gratitude, nagpasalamat si Julia sa fans and supporters niya sa pag-unawa. She coursed it through her Twitter account.

Sadly, mas lamang pa rin ang naimbiyerna kay Julia dahil sa ginawa niyang pang-iisnab sa kanyang father dear. Hindi pa rin nila matanggap ang pambabastos niya sa kanyang sariling ama. Hindi raw sapat na she’s scared of Dennis, dapat daw ay nag-effort pa rin siya na batiin ang kanyang ama. Hindi naman daw siya tiyak na babastusin ni Dennis because they were both in a party. Alangan naman daw na gumawa ng eksena si Dennis doon.

“kahit anong reason mo at nang nanay mo mali parin ang ginawa mo at ginagawa mo at nang nanay mo…kung si dani ang gumawa may valid,acceptable dahil d niya nakasama at nadenied siya nang tatay niya…ikaw nakasama mo at lumaki ka sa tatay mo,alam mo kung ano ang atitude nang tatay mo..kahit sobrang galit pa yan at kung ano man ang pinagsasabi s iyo konti yakap lang mawawala yon…mali man ang pagbugar ni dennis sa iyo..atleast siguro ngayon kahit kaplastikan lang,pagnakita mo siya medyo aware kana na magiging negative imfact sa iyo pag d mo siya pinansin,” mataray na say ng isang fan.

“fams supporters???? nasaan?? kaya pala tinapos na lang ang teleserye mo dahil sa dami ng fans ?? helloooooooooo pero julia may 2nd chance ka pa… ayusin mo ineng.. putulim ,o ma ang sumpa sa family ng nanay no makipagayos ka sa tatay mo kng gusto ,o humaba a pa ang career mo now na!” sani naman ng isang imbiyerna kay Julia.

“Bastos tlaga ooh, mkikita mo s knya kc sarili lng nya ipinagtatanggol nya tatay na man sana ang nsa kabilng party,” ayaw paawat na say ng isa pang  against kay Julia.

Napansin naming, sa simula’t simula pa lang ay nega na ang dating ni Julia. Lalo pa siyang nanega when she denied that she was in a relationship with Julian Estrada, anak ni Jinggoy Estrada. Ang daming nagalit sa denial na iyon ng dalaga.

But gentleman that he is, kaagad na nag-sorry itong si Julian para matigil na ang pagmamarakulyo ni Julia.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas