Julia Barretto, sayang lang ang career

Julia Barretto, sayang lang ang career

Julia-BarrettoKAPOS KASI talaga ang pamilyang Barretto sa pangangalaga sa katahimikan ng kanilang pangalan, kaya wala nang katapusan ang kanilang kontrobersiya na parang isang mahabang teleserye na inaabangan ang bawat kabanata ng kanilang pagbabangayan. Nitong huli, may nakakawindang na reaksiyon si Marjorie Barretto patungkol kay Dennis Padilla dahil sa pagkakailang ngayon ng anak nitong si Julia Barretto dahil sa isyu nila na hindi pa talaga nareresolba.

Hindi na kasi talaga nila makaya na kung may isyu na magiging malaking problema ay mapag-usapan at maayos na lang iyon nang sila-sila na lang muna ang nag-uusap bago lumaganap ang isyu sa showbiz. Huwag sabihin na mga artista sila kaya pinag-uusapan, dahil hindi rin naman totoo iyon. May nawawalang pagrespeto sa kanilang pangalan, dahil lagi na lang silang maingay sa showbiz na pampamilyang-usapan ay nahahalukay talaga ang kung anu-ano nilang mga kapintasan.

Talagang sayang ang career ni Julia, dahil matunog ang pagpapakilala sa kanya ng ABS-CBN para maging isa sa mga prinsesa ng Kapamilya network. Bumagal na ang usad ng kanyang pagsikat. Ang nagmarka na lang ay ang salitang: Napakaganda ng kanyang mukha! Paano naman kasi magiging maluwag ang daan patungo sa kanyang kasikatan?  Eh, puro nga kanegahan sa showbiz ang mga balita tungkol sa apelyidong Barretto!

ChorBA!
by Melchor Bautista