Julia Barretto pumasok sa Philippine Coast Guard Auxiliary dahil kay Gerald Anderson

Leo Bukas
HINDI maiwasang tanungin si Julia Barretto sa digital mediacon ng TV series na Di Na Muli produced by Viva Entertainment kung paano siya naging bahagi ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA). Hindi naman nito ikinaila na ang boyfriend niyang si Gerald Anderson ang nag-inspire sa kanya na maging member ng PCGA.
Julia Barretto pumasok sa Philippine Coast Guard Auxiliary dahil kay Gerald Anderson
“Of course, alam naman siguro ng lahat na si RJ, si Ge, ay isang miyembro ng Philippine Coast Guard for a couple of years now. So, nakasama ako sa iba niyang mga nagawang charity works, sa projects niya, donation drives niya.

“Madalas ko rin nakakasama siyempre yung Philippine Coast Guard every time they come up with events and projects, so they I asked me if I was interested in joining.

“I thought it was a good idea since sumasama na rin naman ako. And because I learned, as a volunteer, makaka-create ka rin ng projects and mga events na makakatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong natin. That really got me interested,” pagbabahagi ni Julia.
Ayon pa sa Viva artist, masarap sa pakiramdam na maging volunteer ng Philippine Coast Guard na alam niyang puwedeng maka-inspire sa ibang tao.

Lahad niya,  “And nakita ko rin kasi yung effect ng helping other people through the other projects that I joined. RJ and I just wanted to kind of continue that and be a part of a cause.

“Sana that serves as an inspiration to get a lot of people to join. Ako naman ay isang volunteer lang, extra hand, and extra help. I’m just supporting the Philippine Coast Guard in their future projects. I’m very excited also.”

Samantala in connecton with the title of her Di Na Muli series, ibnahagi ng aktres kung ano ang isang bagay na ayaw niya na ulit maulit sa kanyang buhay.
“Masakit yun, eh. Masakit yung kailangan mong magpaalam at mawalan ng mahal mo sa buhay!”
Nangyari raw ito nung pumanaw ang lolo ni Julia na si Miguel Barretto (ama ng mommy niyang si Marjorie) noong 2019.
Makakasama ni Julia sa Di Na Muli na mapapanood sa September 18 sa TV5 sina Marco Gumabao at Marco Gallo. Ang Ngayon at Kailanman naman  taong 2019 ang huling teleserye ni Julia sa ABS-CBN.