Julia Barretto, playgirl ang image

Julia Barretto, playgirl ang image

Julia-BarrettoLIKE KO ang “playgirl” image ni Julia Barretto. Image lang naman na para sa akin, siya ang imahe ng makabagong kababaihan.

At lease, hindi siya ‘yong tipo ng kabataan sa showbiz na pa-kimi, gayong pailalim naman ang “K”. Ang dami nilang ganyan sa showbiz. Magugulat ka na lang na prim and proper at very clean ang image, ‘yun pala magugulat ka na lang na buntis na or tapos na pala ang relasyon nila ni Mr. Guwapo na hindi man lang inamin at dumaan lang na parang hangin.

Sa tipo ni Julia who turned 18 years old, oks lang sa akin kung ma-link man siya kung kani-kanino. At least, ang murang ganda niya ay may alindog sa mga kalalakihan.

‘Di nga ba’t na-link na siya noon kay Julian Estrada, na sa kalagitnaan ng balita ay binawi ng binata ang “something” sa kanilang dalawa, dahil may pelikula noon ang dalaga at si Iñigo Pascual, na sa posisyon ni Julian, siya ang “alat” sa promo ng movie ng dalawa.

I remember noong una silang ni-launch ng Star Magic na sabi ng binata, napupusuan niya si Julia, na ‘yun pala ay hindi natin alam, may ”something” na ang dalawa even before pumasok sila sa showbiz.

Kung kani-kanino nali-link si Julia. Nand’yan ang katsipang pagli-link sa kanya kay James Reid na diyahe sa posisyon ni Julia na i-deny ng binata ang sinasabing “coffee date” nila, gayong wala naman. Nagmumukhang naghahabol ang dalaga sa binata just for the sake of the promo ng pelikula ng kapareha ni James na si Nadine Lustre para pag-usapan lang.

Now comes the controversial Kenzo Gutierrez na isa sa mga housemate ni Kuya sa PBB 737 na sinasabing “may something” din kay Julia bago ito pumasok sa PBB.

Nakilala si Kenzo at naging kontrobersiya siya dahil sa sinasabing “bromance” naman niya with Bailey May na naglikha ng malaking isyu na umabot pa sa MTRCB.

Going back to Kenzo and Julia’s grade school love affair, aminado ang binata na hindi niya crush si Julia. “Pero may parang something kami nu’n,” pag-amin niya kay Kuya sa pag-uusap nila sa PBB.

“Pero tagal na ‘yun, bro. First year high school, pero parang naging kami pero two months lang,” confession ni Kenzo.

Pero si Julia sinabi nito sa isang interview, isinara na kaagad ang nagsisimula pa lang na isyu sa kanila ni Kenzo. “He was my friend in grade school na sobrang tagal na, pero never ko siya naging boyfriend.”

Basta ang dalaga ngayon, happy at enyoy na enjoy sa “special friendship” nila ni Iñigo na latetly ay palagian niyang nakasasama dahil sa bagong teleserye nilang And I Love You So sa Kapamilya Network.

Sabi ni Kenzo, naging mag-on sila ni Julia ng two month pero para sa dalaga ay never niyang naging boyfriend si Kenzo. Now, sino ang nagsasabi ng totoo? Hmp!

Reyted K
By RK VillaCorta