Julia Barretto on Claudine: ‘Iba talaga siyang umarte’

Leo Bukas

VERY HUMBLE na inamin ni Julia Barretto sa interbyu namin na wala raw siyang nakuhang galing sa pag-arte kung ikukumpara sa tita niyang si Claudine Barretto.

Aniya,  “Nakuha? Naku siguro wala. Siguro wala kasi nag-iisa lang siya, eh.”

Claudine and Julia Barretto

Saludo raw talaga siya sa galing ni Claudine na na-witness niya simula pa lang ng kanyang pagkabata.

“Napakahusay niya, and growin up you know I’ve been always vocal about this, I have always been a fan of her and her work, of her projejcts and I really looked up to her growing up as an actress,” pahayag ng dalaga.

Sabi pa ni Julia, “Pero again, siguro when it comes to our craft – iba. We’re different, because again,  iba siya.

“Iba talaga siyang umarte… iba talaga siya.”

Magkaganun man, ginagaw naman daw niya ang kanyang best tuwing nabibigyan siya ng opportunity sa TV at movie projects na kanyang ginagawa.

“Pero ako naman, I try my best everyday and every time I’m given the opportunity. And I always try  to be at my best and perform and deliver,” diin niya.

“I just want everybody around me proud and everybody who trusts me with the projects proud and  I think that’s always been the goal — to help breath life into the character that I’m given,” deklara pa niya.

Samantala, sa previous talks namin with Claudine ay ipinagmalaki niya ang pamangkin at sinabing magaling itong aktres.

“Alam kong dugong Barretto yan. Magaling yan. At saka may dugong Dennis Padilla yan, magaling din sa comedy,” papuri ni Claudine kay Julia.

Sinabi ito ng aktres kahit pa meron itong tampo at sama ng loob sa pamangkin na hindi pa rin naaayos hangang ngayon.

“Mas importante talaga na mabigyan siya ng right project para maipakita niya yon. We just need a real good project for her,” lahad ni Claudine.

Previous article4 new sexy stars ipakikila sa Pornstar 2 nina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces
Next articleVivamax may 1 million subscribers na, mga dapat abangan sa 4th quarter ng 2021 inilabas

No posts to display