Julia Barretto: No need to change my last name

Julia Barretto: No need to change my last name

1 Julia-BarrettoHINDI NA magpapalit ng apelyido si Julia Barretto. Ito ang ini-reveal niya sa presscon para sa kanyang 18th birthday na gaganapin sa March 10 sa EDSA Shangrila Makati.

Marami ang natuwa sa desisyong ito ni Julia at tiyak na hindi na nega ang magiging tingin sa kanya ng tao.

“We haven’t even talked about it even sa family. Pero okay, this is the first time I’m speaking about it. I feel that right now, there’s really no need to change my last name,” pahayag pa niya.

May sagot din si Julia sa tanong na baka ginagamit lang niya for publicity ang makikipagbati sa kanyang tatay na si Dennis Padilla.

“How can they even think that way? How can you think that a young child wants to get everything okay again with her own father just for publicity? I can’t even swallow it, embrace that thought.

“It’s very false. He’s my dad. Why? Wouldn’t I want to be okay with my dad and have him there sa special day ko? I made things up with him because I want to be okay with my own father, not for anybody,” katwiran pa niya.

Samantala, imbitado rin sa debut ni Julia ang kanyang dalawang tita na sina Gretchen at Claudine Barretto. Ano kaya ang magaganap sa pagkikita nilang dalawa?

La Boka
by Leo Bukas