Julia Barretto nilinaw ang walkout issue sa Cara Y Cruz TV series

ADVERTISING
Leo Bukas

NILINAW ni Julia Barretto na hindi ang pag-alis niya ng Star Magic at ang pagpirma sa Viva ang dahilan kung bakit nawala siya sa ginagawang bagong series ng ABS-CBN na Cara Y Cruz.

Sabi niya sa amin sa virtual conference,  “I would take this chance and this opportunity to really clear that out.

ADVERTISING
Julia Barretto nilinaw ang walkout issue sa Cara Y Cruz TV series
Julia Barretto

“May mga nabasa na rin akong mga articles na medyo wala namang katotohanan yung ibang nakasulat doon sa mga article na yon. When I made the decision to make the move to Viva, of course, ang mga una ko talagang kinausap ay sina Ms. Mariole at Mr. M. Bakit? Kasi sila po ang head ng Star Magic at bilang sila po ang head ng Star Magic sa kanila po ako nagpaalam.

“Regarding Cara y Cruz naman po, hindi po totoo na hindi na lang ako nagpakita bigla. I was present in all our script readings, our general assemblies. I was present for our look tests.

“I was present sa aming one-on-one meetings with the director. Nakapag-usap na kami ng mga gagawin namin sa character. And to be honest, nakapag-impake na rin talaga ako ready for the lock-in.

ADVERTISING

“But last minute din pong napagdesisyunan nila, some of our heads from ABS, last minute din nilang dinecide na they would want somebody from Star Magic, a Star Magic talent to be taking my role muna sa Cara Y Cruz which was no problem for me,” mahabang paliwanag ni Julia.

Patuloy ng aktres, “No hard feelings naman. It was something that I understood and support them with, kung that would they want muna for Cara Y Cruz is an all-Star Magic cast which I have no problem with.

Julia Barretto nilinaw ang walkout issue sa Cara Y Cruz TV series
Julia Barretto

“So yon lang naman po yung nangyari. Pero wala naman pong nangyari na hindi na lang ako nagpakita, na ako po yung nag-backout, that’s not true naman po. I had every intention to push through with Cara Y Cruz as my support to our network.”

Idinagdag din ni Julia na nakausap naman niya isa sa top executive ng ABS-CBN at naging okey naman daw ang lahat.

“Nagkausap naman kami, especially si Ms. Cory (Vidanes), nakapag-usap naman kami ng magiging mangyayari. Nilatag din naman sa akin, so maayos naman yung naging pag-uusap namin. It was no problem,” paniniguro pa niya.
Ang Cara y Cruz ay pinalitan na ng title ng ABS-CBN at ginawang Bagong Umaga na mapapanood na ngayong Oktubre.

ADVERTISING