Julia Barretto, nagpapakabait na, tinitira pa rin

Julia Barretto, nagpapakabait na, tinitira pa rin

Julia-BarrettoTRYING TO be good ba itong si Julia Barretto? First, she made amends with her father Dennis Padilla. Matapos niyang hindi pansinin ang comedian father niya sa isang party ay biglang sinurpresa niya ang father dear niya and went to his taping unannounced. Siyempre pa, nakipagbati siya sa kanyang ama.

Then, as if that wasn’t enough, ngayon naman ay meron na naman bagong drama si Julia. She’s no longer interested in dropping her father’s last name. Despite what she did ay nega pa rin ang image niya sa social media. Reactions of people were nasty. Ang daming tao ang nag-isip na nagpapabango lang si Julia sa publiko dahil sa kanyang nalalapit na debut.

“After all those bashing she got, it’s just right to announce to the public that she’s keeping her father’s last name. Linis-linisan din pag may time. After ng debut neto tingnan natin. Taga nyo sa bato. Lol,” say ng isang fan.

“Nalaman na niya siguro na naging nega ang image niya ng gusto ng kanyang nanay na palitan yung apelyido niya para maging baretto siya,” paniwala naman ng isa pa.

“Papansin para sumikat ng debut nya…para bumango ng konti name nya at para di nega masyado tingin sa kanya at sa nanay nyang money hungry…parang utang na loob pa namin na ikeep mo lastname ng tatay mo..lekat ka dapat lang tinaguyod kayo ni dennis no…ingratang bata,pakitang tao,” obserbasyon naman ng isang ayaw kay Julia.

Kayo naman, nagpapakabait na nga ang tao, pero ang dami n’yo pa ring sinasabi. Parang ayaw n’yo siyang bigyan ng pagkakataon na magbago ang kanyang attitude towards her father.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas