Julia Barretto, nagmumukhang negastar

ADVERTISING

Julia Barretto, nagmumukhang negastar

Julia-BarrettoHINDI MAKAKUKUHA ng simpatiya si Julia Barretto sa nangyari na parang hindi niya ikinatutuwa na nadulas si Julian Estrada sa presscon ng kanyang pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig at tuloy ay naamin niya na naging girlfriend niya dati ang anak ni Marjorie Barretto. Sa totoo lang kasi ay mas marami pa nga ang naaliw kay Julian, dahil honest siya at marami na rin ang humula noon na hindi nga maaaliw ang magandang young actress kapag lumabas ang balita.

Hindi pa kasi showbiz si Julian, kaya napakadiretso pa niyang magsalita. Minsan lang mayroong mga ganu’ng tao sa showbiz, kaya papalakpakan mo. Pero nalungkot ang anak ni Senator Jinggoy Estrada sa nasabing pangyayari, dahil hindi nga umano iyon nagustuhan ni Julia. Ang nagpapalakas lang ng loob ng bagets na Estrada ay ang mga pasabi ng ibang tao sa showbiz na okey lang iyon, at walang masama sa kanyang ginawa at sinabi.

Negastar tuloy ang dating ni Julia, dahil para namang ikinakahiya niya kung totoo man na nagkaroon sila ng relasyon dati ni Julian. Hindi pa naman kasi siya big star ng showbiz para mag-inarte nang ganu’n. Hindi rin naman tamang intrigahing nagamit ni Julian si Julia para mapag-usapan din ang pelikula nila ni Iñigo Pascual, dahil kilala naman sa showbiz ang angkan na pinagmulan ng bagets actor, dahil apo siya ni dating Pangulong Joseph Estrada.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING