Julia Barretto nag-react sa viral video ni Gerald Anderson na nakasuot ng white boxer briefs

Leo Bukas

MAY NAGING reaksyon pala si Julia Barretto sa nag-viral na video ni Gerald Anderson na kuha sa trailer ng teleleseryeng Init sa Magdamag ng ABS-CBN na mapapanood na simula sa Lunes,  March 19, 2021 sa Kapamilya channels at sa A2Z.

Sa naturang scene ay nakasuot lang ng white boxer briefs si Gerald habang kaeksena si Yam Concepcion sa loob ng isang room. Naging trending topic pa Twitter ang naturang eksena at pinag-usapan din sa social media.

Julia Barretto nag-react sa viral video ni Gerald Anderson na nakasuot ng white boxer briefs
Julia Barretto | Gerald Anderson and Yam Concepcion in ‘Init sa Magdamag’

Ayon kay Gerald, nagulat siya na pinag-usapan ang kanyang eksenang naka-white boxer briefs dahil madalas naman daw niya itong ginagawa kapag nasa bahay lang siya at matutulog.

“Nagulat nga ako nag-trending, ganyan suot ko araw-araw. Dito sa bahay nakaganyan lang ako. Kumbaga parang normal lang sa akin, nagulat ako ba’t nagustuhan pa ng mga tao yan,” nagtataka niyang pahayag.

Going back sa kung anong naging reaksyong ng girlfriend niyang si Julia, ang sabi lang ng aktor, “Ang masasabi ko lang, napakainit ng comment niya doon.”

When asked kung paano niya ide-describe ang love life niya ngayon, ang sagot dito ni Gerald ay, “Perfect 10.”