Julia Barretto, nag-open up tungkol sa kanyang karera at pag-uumpisa ng sariling pamilya

TALAGANG palaban si Julia Barretto, ha? ‘Yan ba ang epekto ng turning 24?

Pagkatapos ng much-awaited confirmation ni Gerald Anderson tungkol sa namuong relasyon nila mula nang magsama sila sa set ng pelikulang Between Maybes noong 2019, tila nakaplano lahat ng galaw ni Julia ngayong 2021.

Julia Barretto, nag-open up tungkol sa kanyang karera at pag-uumpisa ng sariling pamilya
Julia Barretto

Naglipat ito ng talent agency (from Star Magic aynakilumipat ito sa Viva Artists Agency), naging aktibo sa kanyang YouTube account kung saan may inuman pa itong segment, naki-reunite sa kanyang ex-boyfriend na si Joshua Garcia para opisyal na ‘ipaubaya’ na siya, pag-amin ni Gerald na siya ang nagpapasaya sa binata at ngayon ay may liberating pictorial ito plus interview with celebrity photographer BJ Pascual.

Sa panayam sa kanya ng sikat na maniniyot (photographer!) ay naging open ang aktres sa kanyang plano sa buhay.

“As an actress, ang dami ko pang gustong gawin na stories, ang dami ko pang gustong gawing movies, to take on different roles. Especially that I’m getting older, mas nagiging mature din ‘yung mga roles na I’m allowed to do and that I’m willing to do,” 

Patuloy niya: “Aside from that, ako kasi, simple lang talaga ang gusto ko sa life. I just wanna have a family. ‘Yun lang talaga. So I feel like at 24, nagwo-work na ako sobra. Tapos siguro at 25, work din sobra. Para 26 and above, pwede na akong mag-start ng family ko. Yun ang dream ko talaga for myself ever since I was young.

“So ‘yun, to answer your question, now that I’m 24, I think I just really wanna hustle now, hustle next year, and then figure out from there how to start a family.”

Sinabi rin ng Julia na ito ang mindset niya because ‘she has a good family’. Sa mga hindi nakakaalam, si Julia ay anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto na matagal nang hiwalay sa isa’t isa. Sina Claudia, Leon, Dani at Erich naman ang mga kapatid niya kay Marjorie.

Julia Barretto, nag-open up tungkol sa kanyang karera at pag-uumpisa ng sariling pamilya
Julia Barretto and Gerald Anderson

Nang usisain ng maniniyot kung sino ang gusto niyang makasama habangbuhay, “Syempre sa partner ko.”

Sa isa sa interviews kay Gerald Anderson para sa isang vitamin endorsement ay sinabi rin nito na gusto na rin niya mag-settle down.

Well, mukhang mas matured pa nga ang relasyong ito dahil for the first time ay narinig natin si Gerald na iniisip na ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya. Kaya huwag na tayong magtaka kung makarinig na tayo ng wedding bells soon!