Julia Barretto, nag-effort nang ayusin ang gusot nila ng amang si Dennis Padilla

Julia Barretto, nag-effort nang ayusin ang gusot nila ng amang si Dennis Padilla

Julia-Barretto-Dennis-PadillaPAMPA-GOOD VIBES sa young actress na si Julia Barretto ang pagdalaw niya sa ama na si Dennis Padilla kamakailan sa taping ng game show ni Luis Manzano sa Kapamilya Network.

Sa kanyang Instagram account nag-post siya last Wednesday ng picture nila mag-ama, kung saan si Dennis ay naka-wacky smile while si Julia naman ay nakaupo sa gilid ng inuupuan ng ama sa loob ng dressing room ni Dennis.

Aminin man ng kampo ni Julia na ang isyu ng pagpapalit nito ng last name sa kanyang mga legal documents ay isang ‘no-no’ para sa values ng isang Pinoy na kahit ano man ang estado ng iyong mga magulang, hindi magandang hakbang para sa dapat sana’y anak na nagmamahal sa kanyang ama.

Sa March 10, magde-debut na si Julia. Malamang, ang surprise visit ni Julia sa ama ay isang magandang simula na kung ano man ang nangyari noon sa kanila ay masusuklian na ng magandang relasyon. At least si Julia, nag-effort na.

Malamang, ang pagdalaw ng dalaga kay Dennis ay kasama na rin ang personal niyang imbitasyon para sa kaarawan nito.

Good move Julia. Magandang birthday gift ito para sa sarili mo.

Happy kami para sa dalaga.

Reyted K
By RK VillaCorta