Julia Barretto, milyones ang gastos sa engrandeng debut

Julia Barretto, milyones ang gastos sa engrandeng debut

Julia-BarrettoJULIA BARRETTO’S mom Marjorie posted a series of photos na kuha sa food tasting para sa debut ng Kapamilya actress which is happening in some months pa. Sosyal ang food caterer na kinuha for the debut party, fine dining talaga.

Siyempre pa, milyones ang magiging halaga ng debut party ni Julia. Engrande kasi ito at tila gustong talbugan ang mga debut ng ibang celebrity.

Sa gown pa nga lang, isang Michael Cinco ang gagawa nito, the same designer na gumawa ng wedding gown ni Marianita. So, ayaw talagang pakabog ni Julia, ‘no?

Anyway, pinagtatalunan ngayon sa social media kung saan kukuha si Julia ng milyones para sa kanyang engandeng debut party. We felt na meron naman siyang datung dahil ang dami naman niyang commercials na milyones ang kita, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas