Julia Barretto, matagal nang bet ni Iñigo Pascual

ADVERTISING

Julia Barretto, matagal nang bet ni Iñigo Pascual

Julia-Barretto-Inigo-PascualMATAGAL NA palang bet ni Iñigo Pascual si Julia Barretto na makatrabaho. Kahit nasa America pa noon si Iñigo ay madalas na rin silang magtawagan ni Julia. “I wanna work with you kapag nag-artista na ako,” sabi pa nito sa dalaga na natupad naman ngayon dahil magkasama ang dalawa sa pelikulang Para Sa Hopless Romantic ng Viva Films at Star Cinema.

Halatang ‘di mapakali si Iñigo kapag si Julia ang topic ng interview. Kitang-kita ang malaking paghanga niya sa dalaga. Ayon pa kay Julia, sobrang close na sila ngayon ni Iñigo at hindi niya alam kung saan pupunta ang closeness na ‘yon. Naku, hindi malabong maging magdyowa ang dalawa, huh!

Naikukuwento marahil ni Piolo kay Iñigo ang tungkol sa working relationship nila noon ni Claudine kaya nabuo sa isip ng binata na masarap ding makatrabaho si Julia na pamangkin ni Clau. “I’ve heard so much about her kaya I’m interested to work with her,” sey pa ng anak ni Piolo.

Tingnan natin kung after nitong Para Sa Hopeless Romantic ay mas maging romantic pa sina Iñigo at Julia. Hindi naman nila ‘yon maitatago dahil pareho silang showbiz royalty, huh!

ADVERTISING

Kasama rin nga pala sa Para Sa Mga Hopeless Romantic sina James Reid at Nadine Lustre. Sa direksyon ito ni Andoy Ranay at palabas na sa May 13.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING