Julia Barretto, magiging mapangahas na ba sa ‘Expensive Candy’?

BONGGA ang pagtatapos ng taon para kay Julia Barretto. Katatapos lang ng kanyang lock-in taping para sa pelikulang ‘Bahay na Pula‘ kung saan nakatrabaho niya ang award-winning director na si Brillante Mendoza at leading men niya sina Xian Lim at Marco Gumabao.

Julia Barretto, magiging mapangahas na ba sa 'Expensive Candy'?
Julia Barretto in ‘Expensive’ Candy

Ngayon ay natuloy na ang reunion project nila ng Between Maybes director na si Jason Paul Laxamana, na matagal-tagal din hindi gumawa ng pelikula. Kung hindi kami nagkakamali, ito na rin ang comeback project ng direktor na piniling hindi muna magdirek ng pelikula noong kasagsagan ng pandemya.

Si Julia Barretto ang bida sa upcoming film na ‘Expensive Candy’, na naka-lock-in taping ngayon sa Pampanga. Sa titulo pa lang at ilan sa mga teaser photos na inilabas ng production ay mukhang daring na talaga dito si Julia. Kunsabagay, she’s in the right age na para magpakita ng skin at tumanggap ng matured roles.

Si Carlo Aquino naman ang leading man niya sa pelikula. Kakaibang kumbinasyon, pero ang hindi namin mapigilang isipin ay si Carlo ang bata sa original Kokey The Movie habang si Julia naman ang isa sa mga batang bida sa TV version nito. With Carlo’s youthful looks, hindi naman halata ang age gap nila. He-he-he!

Special para kay Julia Barretto si direk Jason Paul dahil ito ang pumili sa kanya na bumida sa Between Maybes at sumugal na ipares siya kay Gerald Anderson. Sa shooting ng pelikulang iyon sa Saga Prefecture sa Japan unang nagkabonding at nagkadebelopan ang dalawa.

Siguradong ang ‘Expensive Candy’ na ang isa sa inaabangang pelikula ng 2022. Kung sa kasalan man matuloy ang Gerald-Julia, dapat lang na si Direk Jason Paul ang isa sa mga sponsors, huh!

Previous articleLuis Hontiveros aminadong kulang sa confidence noon kaya ngayon lang gumawa ng indie film
Next articlePinoy fans galit sa pagkalaglag ni Samantha Panlilio sa Top 20 ng Miss Grand International