Julia Barretto, lumabas na sinungaling sa rebelasyon ni Kenzo Gutierrez ng PBB

ADVERTISING

Julia Barretto, lumabas na sinungaling sa rebelasyon ni Kenzo Gutierrez ng PBB

Julia-BarrettoPARANG PINALABAS ni Kenzo Gutierrez na sinungaling si Julia Barretto nang i-reveal niya na naging dyowa niya ang anak ni Marjorie Barretto.

ADVERTISING

Nangyari ang revelation at napanood ng marami sa uncut version ng PBB recently nang magkulitan ang mga boys na sina Kyle at Jimboy. Apparently, nadulas ang bibig ni Kenzo at naitsika niya ang isang unnamed girl sa kanyang Facebook account.

“Bro, nasa Facebook ko pa nga ‘yun, nasa profile picture ko. Check n’yo ‘yung comments, comment niya, nandu’n pa, ang daming nag-like,” say ni Kenzo.

When asked who the girl was, Kenzo was undecided kung ire-reveal niya until one housemate asked, “Crush mo si Julia, bro?”

ADVERTISING

Surprised, Kenzo saids, “Bro, walang banggitan ng pangalan, bro.”

Later, he revealed, “Hindi ko siya crush, bro. “Basta parang may thing kami dati. Pero tagal na ‘yun, bro. First year high school, pero parang naging kami, pero two months lang.”

On why they parted ways, he said, “Wala. Feeling ko, ‘pag inisip ko ngayong, parang bata pa talaga kami noon. Pero parang mutual naman nu’ng nag-ayaw kami. We’re friends pero ang tagal na rin kaming hindi lumalabas, pero friends kami.”

In her past interview, Julia said na Kenzo was never her boyfriend.

“He was my friend in grade school na sobrang tagal na pero never ko siya naging boyfriend,” Julia said.

Ang feeling namin ay nautusan itong si Kenzo to reveal his romance with Julia para magkaroon ng ingay ang PBB. Wala na kasing masyadong ugong ang show, hindi na pinag-uusapan mula noong mawala na ang livestreaming.

Can you see the pattern? After the rumored Kenzo-Bailey romance ay ang Kenzo-Kamille romance ang pinaingay ng show. And now, ‘yung kina Kenzo at Julia naman.

What’s next PBB? Isip pa kayo ng gimik, ‘yung hindi masyadong obvious. Do it with SUBTLETY!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING