Julia Barretto kinasuhan si Jay Sonza

ADVERTISING
Leo Bukas

SINAMPAHAN na ng kasong cybercrime ni Julia Barretto ang dating broadcaster na si Jay Sonza. Personal na nagpunta ang aktres kasama ang inang si Marjorie Barretto sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para i-file ang kaso.

Matatandaang ibinalita ni Sonza sa kanyang Facebook page noong Sept. 21, 2020 na buntis ang Kapamilya actress  at si Gerald Anderson diumano ang ama.

ADVERTISING
Julia Barretto kinasuhan si Jay Sonza
Julia Barretto

Ayon kay Julia, gusto niyang imbestigahan ng NBI ang fake news na ipinost ni Sonza na tinawag niyang “untrue” at “irresponsible” na nagdulot daw sa kanya ng “distress” pati na rin sa kanyang pamilya.

Ani Julia, “I am pursuing this case because the statements made by Mr. Sonza are untrue and irresponsible.

“The widespread reposting of the news based on his post caused distress to me and my family.

ADVERTISING

“I don’t want to take this matter lightly. Mr. Sonza, and all those who publish these reckless and baseless posts, must be held accountable for their actions so that they think twice before claiming things as fact.”

ADVERTISING