Julia Barretto, inismiran ang ama si Dennis Padilla sa isang burol

ADVERTISING

Julia Barretto, inismiran ang ama si Dennis Padilla sa isang burol

Julia-BarrettoKAWAWANG JULIA Barretto, tinira-tira kasi siya sa social media all because one article appeared saying na inismiran niya ang  kanyang amang si Dennis Padilla.

Nang magkita sa burol kasi ang mag-ama ay inismiran daw ni Julia si Dennis, bagay na ikinaimbiyerna ng komedyante kaya ipinatawag ito para pagsabihan. Napaiyak yata si Julia sa paninita ng kanyang ama kaya nagsumbong kay Marjorie Barretto. In return, pinagsasampal daw ni Marjorie si Dennis.

Kumalat sa social media ang kuwento kaya naman may-I-react ang mga utaw. Sadly, puro against kay Julia ang mga comments. Binash talaga siya nang todo.

“Like ko sya noon lalo sa mirabella kya Lang ng lumabas Ang balita tungkol sa tatay nya. WALA na. Hindi ko na sya like. Kahit halimbawa pang hindi naging mabuting Ama si Dennis Padilla. Tatay nya parin yon. Dapat nyang erespito,” one female fan commented.

ADVERTISING

“Dt like n like q xa. . Ky lang nung ngyr s tatay nya wl n i hate her. .mkatatay aq lalo n kht dq tatay bst nk2ta q n ns2ktn ns2ktn n dn aq ky. . .nga impocble n mbait yan kc dugo nla.dti hate q c claudn dhl s mga ngyr pero dhl s mga ngyayari ms2vi q ms ok c claudn kysa ky marjorie. . .mukhang pera dw kc,” mataray naman na say ng isa pa.

“sayang maganda Sana ala namang utang na loob kung maganda lang Sana ugali cguro dami ring blessings,” one fan observed.

But there’s one who defended Julia and said, “Insecure lang kayo kay Julia. ..bakit Alam nyo ba buong story. .?? Super nega kayo wala namen kayong alam sa buong pang yayari..Mga insecure.”

Julia, ano’ng say mo sa isyung inismiran mo ang iyong ama? Pakisagot nga!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING