Julia Barretto: ‘I will only walk away when the person I’m in a relationship with wants to walk away’

Leo Bukas

AYON kay Julia Barretto, iisang bagay lang ang magiging matinding dahilan para sukuan niya ang isang relasyon. Ito ay kapag nagdesisyon daw ang kanyang karelasyon na hiwalayan na siya. Pero hindi naman niya binanggit na ito ang dahilan kung bakit naghiwalay sila noon ng ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Julia Barretto: 'I will only walk away when the person I’m in a relationship with wants to walk away'
Julia Barretto

“Siguro I will only walk away from a relationship kapag ayaw na ng isa. I’ll only walk away when he walks away,  in general ha,” katwiran ni Julia nang makausap namin siya  sa virtual mediacon ng Di Na Muli ng Viva Television na ipapalabas sa TV5.

Pagkatapos makarelasyon ng aktres si Joshua ay naging boyfriend naman nito ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson na una niyang nakasama sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana na  Between Maybes noong 2019.

“But kidding aside, mahirap sagutin yung tanong na ganyan lalo na kapag wala ka sa sitwasyon na ganu’n. Nasa kutob yan eh. Nasa pakiramdam yan.

“Pero I will only walk away when the person I’m in a relationship with wants to walk away.  Because there’s respect, we respect that they don’t want it anymore. So hindi na, huwag pilitin,” dagdag na paliwanag ni Julia.

Dapat din daw na hindi pinipilit ang isang tao kapag ayaw na niya sa ‘yo.

“Don’t force somebody to be in a relationship with you if they don’t want to be with you anymore. And I think that’s the time you walk away as well,” diin pa ng dalaga.

Pero  sa isang banday ay naniniwala rin naman daw siya na dapat ay ipinaglalaban ang pag-ibig laloo na kapag mahal mo ang isang tao.

“Kapag mahal mo, hindi mo susukuan. Kahit mahirap, kakapit ka pa rin,” ang medyo contradicting niyang reaksyon.

Dalawa ang leading man ni Julia sa Di Na Muli series na mapapanood tuwing Sabado simula September 18 sa TV5 at Cignal TV. Sila ay sina Marco Gumabao na matagal ng kaibigan ni Julia at si Marco Gallo na dating Pinoy Big Brother housemate.