Julia Barretto handang magpakasal kay Gerald Anderson

HABANG tumatagal ay lalong tumitibay ang pag-iibigan nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Simula nang aminin nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon noong nakaraang taon ay mas nakilala pa ng publiko ang magkasintahan. May mga nagsasabi nga na kahit binalot ng intriga ang panimula ng kanilang pag-iibigan ay mukhang nahanap na nila ang ‘the one’ sa isa’t isa.

Julia Barretto handang magpakasal kay Gerald Anderson
Julia Barretto and Gerald Anderson

Sa panayam ni Boy Abunda kay Julia Barretto kung saan ibinalita rin ng dalaga na magkakaroon sila ng reunion project ng ex-boyfie na si Joshua Garcia, naging open naman ang dalaga patungkol kay Gerald.

Tinanong ni Boy Abunda kung magye-yes ba ito kung mag-propose man ang kasintahan.

“Yes [I would agree to marry him],” mabilis na sagot ni Julia.

Nang tanungin naman siya kung takot siya sa konsepto ng kasal, “I am not scared. Marriage [is] exciting. I am curious.”

Grateful ang dalaga sa guidance na binibigay sa kanya ng boyfriend, who is older (and wiser?) than her.

“I always tell him how lucky I feel that I am with somebody who can guide me in life in general. Someone who can ground me, who can put sense in my head. I can talk to him about anything. He puts everything into perspective for me,” sambit nito.

Julia Barretto handang magpakasal kay Gerald Anderson
Julia Barretto and Gerald Anderson

Sa kanyang mga past vlogs ay vocal si Julia sa pagsabi na pakiramdam niya ay ang purpose niya sa buhay ay ang maging isang ina. Handa na ba siya magkaroon ng mga anak?

“I think it also comes with – you know, my mom and I are the bestest of friends. That’s because our age difference is not so far apart. She had me at 21 or 22. We are so close and I think I just want to have that kind of relationship as well with my children,” she said.

Sa aming obserbasyon ay malaki talaga ang posibilidad na Gerald at Julia na nga ang end game. Date ng kasalan na lang ‘yata ang kulang!

Previous articleVLOG WATCH: Ang Chocolate Chip Cookies ni Ysabel Ortega
Next articleThings You Didn’t Know About Le SSerafim