Julia Barretto at Enrique Gil, walang chemistry

ADVERTISING

Julia Barretto at Enrique Gil, walang chemistry

Enrique-Gil-Julia-MontesMINSAN NAGING topic namin ang tandem nina Julia Barretto at Enrique Gil. Wala raw chemistry ang dalawa bilang magka-loveteam. Dapat daw kasing edad ng young star ang ipinareha rito. Matured na nga si Enrique for Julia. At saka, naging ka-loveteam na niya si Kathryn Bernardo. Sa tooo lang, hindi namin maramdaman na nagko-connect sila sa soap opera na Mirabella ng Kapamilya Network. Parang wala lang, isang serye na hihintayin mo na lang matapos, ganu’n. May nagsasabing hindi bagay kay Julia ang first major television project niyang ito.

Kung susuriin ang personality ni Julia, tipong mas bagay sa kanyang ang naudlot na remake ng Confradia. Habang nagdadalaga ang teenstar, nagiging kamukha na siya ni Majorie Barretto. Maging sa kanyang mga TV commercial, young version talaga siya ng kanyang mommy. Well, nang dahil sa ganda ng mukha, kutis at tindig ni Julia plus the TV show, hataw sa dami ng endorsement ngayon ang young star.

Kung tatanungin mo naman si Enrique about Julia, pang-showbiz ang madalas isagot ng binata. Pakiramdam namin, walang physical attraction na nararamdaman ang hunk actor sa kanyang leading lady. Nagpapakatotoo lang naman si Enrique. Hindi raw maiiwasang i-link sila ni Julia dahil magka-loveteam sila sa serye. Ganu’n naman daw kaya oks lang na pag-usapan sila. Pareho pa silang focus sa kanilang career kaya malabong ma-develop into something beautiful ang kanilang friendship. Huwag madaliin ang mga bagay-bagay, hintayin na lang natin kung kailangan uusbong ang feeling nila sa isa’t if ever.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING