Julia Barretto at Enrique Gil, kataka-takang ‘di nagkadebelopan

ADVERTISING

Julia Barretto at Enrique Gil, kataka-takang ‘di nagkadebelopan

Julia-Barretto-Enrique-GilNAGTATAKA LANG ako kung bakit hindi na-develop sa isa’t isa sina Julia Baretto at Enrique Gil. Kadalasan kasi, kapag magkasama ang dalawang artista (lalaki at babae) sa isang project, sa pelikula man o sa telebisyon tulad ng pantaseryeng Mirabella, most likely nade-develop on a personal level.

Sabi nga ng binata, jive at swak sila ni Julia habang naging relax sila sa kanilang samahan sa taping. Tawag nga ni Ken (palayaw ni Enrique) sa dalaga “My Girlfriend” na sinabayan ng matamis na ngiti ng binata.

Pero mas gusto ni Ken na hanggang ganu’n lang ang kinauwian ng pagsasama nila. “This is better dahil kung may tampuhan man kami as boyfriend and girlfriend, hindi maaapektuhan ang work namin. I like this way. But si Julia, she’s everyone’s girlfriend. Kahit sinong lalaki will like her. She’s malambing, mabait and perfect to to be any boyfriend’s girl.”

Nakapanghihinayang nga na last five days na lang ang Mirabella na tinawag na “A Beautiful Ending”, na most likel,y ang pangit na itsura ni Mira ay magiging Bella dahil sa kabaitan at pagiging wagas ng puso ng karakter ni Julia sa serye.

ADVERTISING

On the personal side, kawawa naman si Julia. Kung kailan masaya na magtatapos na ang Mirabella, dumating naman ang isyu na ang ina niyang si Marjorie Barretto ay ginagawan na ng paraan (legally) na matanggal ang last name ng amang si Dennis Padilla (screen name ito ng komedyante) sa legal documents ng young actress.

Kawawa naman si Julia. Parang siya na si Mira sa totoong buhay na pasan-pasan ang sama ng mundo na iniatang sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING