Julia Barretto, ‘di nagiging magandang ehemplo sa kabataan

ADVERTISING

Julia Barretto, ‘di nagiging magandang ehemplo sa kabataan

Julia-BarrettoHINDI MAGANDANG impresyon ng publiko itong isyu between father and daughter na si Dennis Padilla at Julia Barertto at mga kapatid niya.

Akala ko okey na ang mag-ama na noong debut ng dalaga ay tila naayos na ang gusot na namamagitan sa kanila.

Akala ko tampong maliit lang na kulang lang sa komunikasyon dahil may ilang mga tao na nakapaligid kay Julia (ang ina niya na si Marjorie diumano ang tunay na dahilan) na naging dahilan para magkalayo ang mag-ama.

Bad, bad, bad for Julia ang kuwentong ito lalo pa’t malapit nang i-launch ang kanyang bagong serye with Iñigo Pascual, ang And I Love You So from Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.

ADVERTISING

Kung totoo man ang balita na nakararating sa amin, dapat ayusin na ng dalaga. Siya na ang kusang gumawa ng paraan para maayos ang kung ano mang gusot na meron sila ng ama.

Bilang ama, may sama ng loob si Dennis sa mga anak niya dahil hindi umano nagri-reach-out ang mga ito sa kanya,

Gustuhin man niyang makapagpadala ng konting pera (na ngayon ay very active muli sa kanyang pag-aartista at may konting kinikita), hindi alam ni Dennis kung papaano. Tini-text daw niya ang anak pero wala naman daw itong reply.

Dapat maayos na ito ni Julia. Hindi kasi ito magandang tingnan lalo pa’t si Julia, isang huwaran ng mga kabataan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING