Julia Barretto, ‘di man lang mabigyan ng bagong cellphone ang ama?

ADVERTISING

Julia Barretto, ‘di man lang mabigyan ng bagong cellphone ang ama?

Julia-BarrettoKAHIT PA hindi na nga gamitin ni Julia Barretto ang apelyido ng kanyang amang si Dennis Padilla, huwag naman dapat magkaroon ng pagbabago sa kanilang closeness kahit hindi na sila magkakasama sa iisang bahay dahil nagkahiwalay nga ang kanyang mga magulang. Sa ngayon kasi, ang ramdam na ramdam sa ugali ng magaling na komedyante na hangga’t maaari ay ayaw niyang kung siya’y iinterbyuhin ay tungkol sa kasikatan ni Julia ang pag-usapan.

Nahahalata kasi ni Dennis, na parang ang gustong tumbukin ng usapan at mga tanong ay kung sa sitwasyon ba nila ngayon na sikat na sikat na si Julia at medyo down ang kanyang career ngayon bilang komedyante, ay kung naaalaala pa ba siya ng kanyang anak na kumustahin man lang? Tinawanan na lang din ng komedyante na nagkaroon pa ng isyu tungkol sa ginagamit niyang lumang celllphone, na para bang sa laki ng kinikita ngayon ni Julia ay bigyan man lang siya ng bagong cellphone.

Sa pagbibigay raw sa kanyang daddy, hindi raw alam ni Julia kung ano ang gusto ni Dennis para ibigay niya. Ganu’n naman si Dennis, dahil sanay siya sa hirap. Masipag magtrabaho si Dennis, dahil naranasan na niya sa buhay kung paano ang meron at wala sa kagipitan. Dapat malaman din ni Julia na mayroong mga magulang na hindi humihingi sa mga anak, kaya ang anak ang dapat magkusang makaalaalang magbigay ng iniisip nilang puwedeng makapagpasaya sa kanilang magulang.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING