Julia Barretto, ‘di makakuha ng simpatiya

ADVERTISING

Julia Barretto, ‘di makakuha ng simpatiya

Julia-BarrettoLALONG DUMAMI raw ang nairita kay Julia Barretto dahil sa isyu nitong pagpapalit ng apelyido niya na dinidinig na nga ngayon sa korte.

Nu’ng Biyernes ng umaga ay dumalo si Dennis Padilla sa hearing sa QC-RTC sa sala ni Judge Manuel Sta. Cruz Jr. at doon nga dininig daw ang Motion to Intervene na isinumite ng kampo ni Dennis. Sabi ng abogado ni Dennis, maghihintay pa raw ng limang araw para sa comment ng kampo ni Julia.

Pero sinabi nga ni Dennis na kung ano ang desisyon daw ng korte, igagalang daw niya ‘yun at wala na raw siyang magagawa. Ang sa kanya lang daw, ipinaglalaban lang daw niya ang pangalan niya na dala ni Julia mula pa nu’ng ipinanganak ito. Hindi naman daw magbabago ang pagtingin niya sa kanyang anak kung sakaling Barretto na ito at hindi na dala ang Baldivia na apelyido ni Dennis.

Aware si Dennis na bina-bash na ang anak niya, at ang simpatiya ng karamihan ay sa kanya, at hindi sa anak niya.

ADVERTISING

Sabi ng aktor, “We are family-oriented, eh. Simula nu’ng mag-aral tayo, ‘yun ang tinuturo ng ating mga guro. ‘Yung pagiging family-oriented, and I believe na siguro ‘yung mga nakapanood sa akin sa Startalk, siguro mga parents din sila or sila mga anak din sila. So, nauunawaan siguro ng nakakarami kung anong nararamdaman ko.”

Ang gusto lang ni Dennis, sana magkaroon daw ng pagkakataong makapag-usap sila ng anak niya. Sabi nga niya, kahit 5 minutes lang, kaya raw niyang ipaliwanag lahat ‘yun kay Julia.

Nasa London pa rin yata si Julia, at kasama nga niya roon si Marjorie. Ang kuwento sa amin, panay raw ang post nito ng mga napasyalan nila ni Julia roon sa London. Bongga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING