Julia Barretto naglabas ng liberating photos para sa kanyang 24th birthday

MAITUTURING na isa sa hottest stars ngayon sa Pilipinas ang birthday girl na si Julia Barretto. Pagkatapos ng confirmation ng kanyang current boyfriend na si Gerald Anderson na totoong magkarelasyon na sila at happy sa piling ng isa’t isa ay mas naging open na ang dalawa sa pagpapakita ng affection in public.

Nauna na r’yan ang paparazzi photo na sila’y HHWW (Holding Hands While Walking) sa beach na sinundan ng pagpost ng dalaga ng selfie na hinahalikan siya sa pisngi ng ngayo’y ‘nakalaya’ na boyfriend at ang kissing photo nila na nakunan sa joint birthday celebration nila sa resort ng aktor.

Julia Barretto naglabas ng liberating photos para sa kanyang 24th birthday
Julia Barretto

Para sa kanyang birthday ay naglabas ng ‘Just Julia’ photo series ang dalaga na ngayo’y isa nang totoong ‘woman’ at 24.

Sa mga larawan na ito ay makikita natin ang isang mas palaban na version ni Julia Barretto na no inhibitions na pagpapakita ng kanyang fierce side. No more hiding, ika nga.  Laban kung laban!

Congratulations Julia dahil kahit na marami pa rin ang nang-iintriga sa’yo ay winner ka pa rin dahil ikaw ang pinili ni Gerald at in a way ay nakawala ka na sa posas ng tambalan ninyo ng ex-boyfriend mo na si Joshua Garcia. Pinaubaya ka na kaya ngayon ay siguradong very liberating ang iyong pakiramdam! Happy Birthday!