Julia Barretto, binanatan sa pagtulong sa mga batang kapus-palad

ADVERTISING

Julia Barretto, binanatan sa pagtulong sa mga batang kapus-palad

Julia Barretto, binanatan sa pagtulong sa mga batang kapus-palad Julia Barretto, binanatan sa pagtulong sa mga batang kapus-paladNagpasaring na si Julia Barretto sa kanyang Instagram account sa kanyang mga bashers na posible raw bumanat sa kanya dahil sa ginawa niyang pagbisita sa mga kapus-palad na bata.

Doon ay nagbigay siya ng mga regalo, nakipagkuwentuhan, nakipaglaro sa mga bata na makikita sa kanyang Instagram wall. Sa kanyang mensage/caption, paunang 19th birthday celebration niya sa mga bata.

Dahil naging masaya siya sa naging karanasan kaya huwag na raw bigyan ng kahulugan ang kanyang ginawa. Dalawang photos ang in-upload ni Julia kasama ang mga bata.

“Super early 19th birthday celebration with the kids before flying back to Manila,” aniya sa unang photo.

ADVERTISING

“That was fun kids. I’d share a lot of stories from today, but don’t want anyone twisting my good intentions,” say naman niya sa ikalawang photo.

Pero hindi pa rin nagpaawat ang kanyang bashers dahil binanatan pa rin siya. Sinabi na nandidiri raw si Julia Barretto sa mga bata, pero hindi lang pinahalata.

May nagsabi naman na kung tunay ang kanyang intensyon na tumulong o magpasaya ng mga kapus-palad na bata. Sana raw ay hindi ito nag-post sa IG nang ganoon. May mga celebrities naman daw na tumutulong, pero hindi ipinakikita sa social media.

Ipinagtanggol naman si Julia ng kanyang mga followers na ipagpatuloy lang nito ang kanyang advocacy.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING