Julia Barretto at Joshua Garcia, balik-tambalan sa ‘Block Z’

ADVERTISING

BAGO PA MAN nasangkot sa samu’t saring kontrobersiya, kasado na ang zombie film na ‘Block Z’ na pinangungunahan ng tambalang JoshLia nina Joshua Garcia at Julia Barretto with fellow Kapamilya actors Ian Veneracion, Dimples Romana, Ina Raymundo, Yves Flores, Maris Racal at McCoy de Leon mula sa direksyon ni Mikhail Red.

Julia Barretto at Joshua Garcia, balik-tambalan sa ‘Block Z’

ADVERTISING

Sa wakas ay mapapanood na ang kinasasabikang pelikula na ito na late 2018 pa lang ay pinag-uusapan na. Si Mikhail Red ang isa sa promising directors natin ngayon. Ilan sa kanyang mga likha ay ang Birdshot, ang pinakaunang Filipino film na in-acquire ng Netflix sa kanilang international catalogue. Last year naman ay ipinalabas ang ‘Eerie’ na pinagbidahan nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio. Si Mikhail Red din ang direktor ng ‘Dead Kids’ na ipinalabas sa Netflix noong December 1. Ito naman ang kauna-unahang Netflix Originals mula sa Pilipinas.

Sa direktor pa lang, alam mo na hindi basta-basta ang zombie film na ito. Kung hindi kami nagkakamali, ang last zombie genre film natin sa Pilipinas ay ang ‘Patayin sa Shokot si Remington’ na mas comedy ang atake. Ang Block Z ay mas madugo, mas nakakagulat at mas nakakaloka!

Panoorin ang trailer ng Block Z:

ADVERTISING

Ang Block Z ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa January 29. Ito ay produced ng Star Cinema at Keep Filming.

 

 

ADVERTISING