Julia Barretto at Gerald Anderson, nalalapit na ba ang pag-amin?

NALALAPIT na ba ang pag-amin nina Julia Barretto at Gerald Anderson?

Ito ang tanong ng mga netizens kamakailan dahil sa Instagram update ng aktres na hawak ang kanyang aso at katabi ang isang lalaking mabalbon na kung pamilyar ka sa katawan ni Gerald ay alam mo na siya ang ‘driver’ ni Julia.

Julia Barretto at Gerald Anderson, nalalapit na ba ang pag-amin?
Julia Barretto, St. Bernard the Dog and mystery driver

“New baby St. Bernard,” simpleng caption ni Julia sa kanyang Instagram post.

Dahil sa nakakaintrigang larawan na ito ay napatanong ang kanyang followers.

“Alex Marasigan,” hula ng isang netizen. Ito ang pangalan ng karakter ng aktor sa ‘A Soldier’s Heart’.

“Hmmm, ikaw ba yan, G,” tanong ng isang fan.

“Para(ng) Ge ata nag da drive,” pahabol ng isa.

“G is driving you crazy, Juls,” sambit ng isa pang kinikilig na fan.

“OMG! Reveal na rin, Jul! Will be happy for you kahit sinong boyfriend. Mahap pa rin kita!” positive na sagot ng isang loyal follower ni Julia.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ng dalaga ang mga tanong ng madlang pipol. Feeling namin ay magiging Instagram official na rin ang dalawa this year and who knows, baka may special vlog reveal pa sila? Mas bongga ‘yun, ‘di ba?!

Last November ay inamin ni Julia na siya ay ‘in love’. Wala itong binabanggit na specific name, pero hula ng lahat ay si Gerald Anderson ang kanyang special someone.

Julia Barretto at Gerald Anderson, nalalapit na ba ang pag-amin?
Gerald Anderson and Julia Barretto

Noong panahon din na ‘yun ay sinasabing naispatan si Julia sa resort ni Gerald sa Zambales at maging si Marjorie Barretto ay nakapunta na rin doon.

Nag-umpisa ang kontrobersyal na pagkakalink kina Gerald at Julia pagkatapos ipalabas ang pelikula nilang ‘Between Maybes’ noong 2019.

Matagal-tagal na rin ‘yun ha! Siguro naman dapat ay tanggapin na natin na sina Gerald at Julia talaga ang itinakda para sa isa’t isa. Move on na!