Julia Barretto: ‘Ang sarap kayang mawasak ang puso’

Leo Bukas
MAY LOVE advice si Julia Barretto para sa mga taong paulit-ulit na nabibigo sa pag-ibig. Aniya, hindi raw dapat nawawalan ng pag-asa at sumusuko agad sa love dahil baka sa susunod ay tamang tao na ang dadating sa kanilang buhay.

Isa raw ito sa kanyang mga natutunan sa Viva Entertainment series na Di Na Muli na mapapanood sa Vivamax  kasama sina Marco Gallo at Marco Gumabao.

Julia Barretto

“Huwag matakot na magmahal ulit. Give love a second chance again because it might be the one for you,” paalala ng dalaga sa mga broken hearted sa ginanap na digital mediacon ng Viva.

“Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kapit lang!” giit pa niya.

Ayon pa kay Julia, normal lang ang masaktan kapag nagmamahal pero hindi pa rin daw dapat daw ay matutong tumayo ulit at hindi ma-discourage.

“Don’t lose hope. Lahat naman tayo pinagdaanan yan!” pahayag ni Julia. “Actually, hindi lang sa pag-ibig. Maraming bagay sa buhay na minsan parang, ‘Ayoko na, huwag na lang. Nakakawalang gana. Nakaka-discourage.’ Pero huwag kang magpatalo,” dagdag ng aktres.

Naniniwala rin si Julia na may mga dahilan kung bakit kailangang pagdaanan ang masasakit na nakaraan sa buhay. At mare-realize lang daw natin yon kapag dumating na yung tamang tao sa buhay natin.

“Ang sarap kayang mawasak ang puso. Joke lang. Medyo may kurot na masakit, pero masarap siya kasi alam mong tumitibay ka. Pag na-o-overcome mo siya, ‘Ay, na-overcome ko ‘yon.’

“Kaya ang sarap ng pain na yon kasi alam mo sooner or later ma-o-overcome mo siya. So, parang mas masarap kapag masaya ka na, kapag naramdaman mo na yung sakit na yon,” lahad pa niya.

Halatang masayang-masaya si Julia sa kasalukuyang estado ng relasyon niya sa aktor na si Gerald Anderson kaya puro words of encouragement ang lumalabas sa kanyang labi.

“Ang sarap magmahal. Ang sarap mabuhay. Ang sarap magtagumpay. Ang sarap mag-move forward. Ang sarap magkaroon ng bagong experience ng pagmamahal.

“Na magugulat ka na lang din, ‘Ay may ganito pala. Ito pala yung para sa akin. Ay buti na lang ganun pala ang nangyari,’” deklara ng aktres.

Previous articleAli Sotto at Pat-P Daza tatapatan ang mga lalaking broadcasters sa ‘Ano Sa Palagay N’yo?’
Next articleThings You Didn’t Know About Kelvin Miranda

No posts to display