Julia Barreto at Joshua Garcia balik-tambalan sa pelikula

NAKATAKDA NA ang pagbabalik-tambalan nh ex-reel and real partners na sina Joshua Garcia at Julia Barreto para sa isang pelikula.

Ito mismo ang exciting news na ibinalita ni Julia Baretto sa kanyang recent interview with Boy Abunda.

Julia Barreto at Joshua Garcia balik-tambalan sa pelikula
Julia Barretto and Joshua Garcia

“I want to do films [this year]. I am going to be doing a movie also with Josh under Black Sheep this year,” balita ni Julia.

Maliban sa balitang ito na siguradong ikinatuwa ng mga JoshLia fans, ikwinento din ni Julia na may pakiusap siya sa kanyang ex-boyfriend.

“Ako tinatanong ko, ‘How are you? May girlfriend ka na ba? Huwag ka munang mag-girlfriend,’” sambit ng dalaga.

“Sabi niya sa akin, ‘Bakit ba ayaw mo akong magka-girlfriend?’ Sabi ko, ‘Basta huwag ka munang mag-girlfriend. Enjoy this. Enjoy what you have now.’ He’s young. He’s in his prime. He’s a brilliant actor. It’s not the time to be limited right now.”

Ang wish daw ni Julia para sa ex ay to “really enjoy his time.”

Maliban sa pagkakaibigan nilang dalawa kahit sila’y matagal nang hiwalay, ibinahagi din ni Julia kung ano pa ang naa-appreciate niya sa binata.

“I think one of the things that I really appreciate about him is he respects Ge a lot. That says a lot about Josh as well and how much he’s grown and matured. He respects Ge and that means a lot to me,” sambit nito.

Julia Barreto at Joshua Garcia balik-tambalan sa pelikula
Joshua Garcia and Julia Barretto during the ‘Love You to the Stars and Back’ promo

Bago ang pandemya ay naging isa sa hottest loveteams ng Kapamilya network ang JoshLia. Nagbida sila sa mga pelikulang Vince & Kath & James, Love You To The Stars and Back, I Love You Hater at Block Z. Nagbida rin sila sa teleseryeng ‘Ngayon at Kailanman’. Sila din ang main leads ng ‘Paubaya’ music video ni Moira.

Hindi man sila ang magdyowa sa ngayon, pwedeng-pwede pa rin natin sila makita as ‘reel’ couple lalo na’t na-establish na ang kanilang chemistry noon and they’re professionals.

Abangan!

Previous articleJanelle Tee: Beauty Queen to Sexy and Brave Actress
Next articleMiles Ocampo at Elijah Canlas, new showbiz couple