Julia Baretto, tinawag na torpe si Iñigo Pascual

Julia Baretto, tinawag na torpe si Iñigo Pascual

Julia-Barretto-Inigo-PascualEWAN KO kay Iñigo Pascual, kulang sa confidence sa sarili. Sa guwapo niyang ‘yan, ewan ko lang kung mababasted pa siya ng babae na liligawan niya.

May sariling appeal ang binata na wala at hindi mo makikita sa iba. May sarili siyang charm. Siguro, ang mga ngiti niyang ‘yun at mga mata na nangungusap, ‘yun ang bala niya para hindi matanggihan ng babae. Bukod siyempre sa totoo at tunay niyang intension na mahalin sila.

Pero ewan ko kung bakit nagba-blush siya kapag nasusukol na siya kapag si Julia Barretto ang topic at pinag-uusapan. Sa katunayan, ilang beses siyang nag-blush nang nasusukol na siya sa tanong ng ilang mga bloggers sa “blogcon” na naganap last Wednesday afternoon para sa pelikulang Para sa Hopeless Romantic ng Star Cinema at Viva Films na mapapanood na sa Miyerkules May 13.

Parating napayuyuko si Iñigo kapag napag-uusapan na si Julia on a personal level. Laging depensa ng binata, magkaibigan lang daw sila. Palagi niyang sinasabi na walang “something” between the two of them.

Relaks lang sila sa isa’t isa kapag magkasama sila, kaya ang closeness nilang dalawa, walang malisya.

Pero sabi ni Julia, “torpe” raw si Iñigo” na nang bitawan ng dalaga ang salitang torpe harap-harapan during that event, ngumiti lang si Iñigo, sabay iling at napayuko. Namula. Hiyang-hiya.

Si Julia kasi, napaka-vocal. Straight forward. Walang paliguy-ligoy na siyang gusto rin naman namin. “At least kung ano ‘yong nararamdaman niya, ‘yun ang sinasabi niya. ‘Yan din ang gusto ko,” pahayag ni EJ Salut na nag-host ng event and at the same time ay nagha-handle ng publicity ng Dreamscape Productions.

“Kaya walang kahirap-hirap kumbinsihin si Julia dahil siya mismo, she always tell the press kung ano ‘yong nararamdaman niya,” pahayag pa ni EJ.

That afternoon, enjoy ang pagtitipon dahil nagpasiklab pa nga si Iñigo ng isang dance step na sa backstage daw sa ASAP ay pini-perform nito na ayon kay Julia ay seksi ang moves para sa binata.

Kung sa bagay, kung sina James Reid at Nadine Lustre na kasama nila sa pelikula ay totohanan na walang “something” sa isa’t isa, kahit click ang love team nila; sina Julia at Iñigo, ayaw mang aminin na meron silang “something” na ayaw naman nilang i-admit at naghihintay lang ng timing.

Pero ang cute ni Inigo tuwing nagba-blush siya. Bagets na bagets ang “love” nila ni Julia sa isa’t isa.

Kapag may freetime ang dalawa, nag-e-enjoy sila sa paggawa ng dubsmash na bagong application sa mga iPhone at sa mga techie.

Reyted K
By RK VillaCorta