Jukebox Queen Mode: Katrina Halili, gaganap na Imelda Papin!

ADVERTISING

Jukebox Queen Mode: Katrina Halili, gaganap na Imelda Papin!

Jukebox Queen Mode: Katrina Halili, gaganap na Imelda Papin!
Katrina Halili

PALAGI natin napapanood si Katrina Halili bilang nakakairita at sagad ang pagkademonyita sa mga programa ng GMA-7. Sa huling tatlong panghapon na seryeng ginawa niya (Destiny Rose, Sa Piling ni Nanay at ‘D Originals), halos isumpa siya ng manonood dahil sukdulan ang kasamaan ng kanyang ginampanang papel. Kahit ang loyal fans ng hot momma ay nairita rin. Tanging ang role niya bilang Wila sa The Rich Man’s Daughter yata ang reasonable at kahit paano ay may puso.

ADVERTISING

Anyway, buti naman at sunod-sunod ang guesting ni Chiqui (palayaw ni Katrina) sa GMA-7 na puro light or may pinaghuhugutan ang karakter niya. More than a month ago ay gumanap siya bilang isang maid sa Brunei na inalukan maging third wife ng amo sa Tadhana at nagkaroon din sila ng mini-reunion ng fellow Starstruck graduate Dion Ignacio sa Magpakailanman.

This Saturday naman ay isang magandang life story ang ating mapapanood sa Wagas ng GMA News TV at 7:30PM. Gagampanan ni Katrina Halili ang buhay pag-ibig ng Jukebox Queen na si Imelda Papin. Si Rodjun Cruz ang magiging kapartner niya rito.

Jukebox Queen Mode: Katrina Halili, gaganap na Imelda Papin!
Katrina Halili and Glaiza de Castro

Hindi rin kami sure kung kailan ang airing, pero nagpatikim na sina Katrina at Glaiza de Castro ng kanilang ‘WilThea’ reunion sa Dear Uge. Na-appreciate naman ng mga fans ng dalawa ang ng programang ‘The Rich Man’s Daughter’ ang muling pagsasama ng Kapuso beauties.

ADVERTISING

As of writing ay wala pa rin nababalitang next teleserye ni Katrina. Sana ay something light naman ang ibigay sa kanya. Okay sana ang umpisa ng now-defunct show na ‘D Originals na supposedly yata ay light sexy show, pero naging patayan at sigawan ang ending.

Hindi rin namin napigilan maalala si Katrina sa biglaang paglabas ni Angel Locsin sa La Luna Sangre. Ten years ago, sila ang magkasama sa ilang programa ng Siyete. Compare niyo na lang ang nangyari sa karirs nilang dalawa. May slight na panghihinayang to be honest.

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING