Judy Ann Santos, wish na tangkilikin ang manonood ang kanyang movie

ADVERTISING

Judy Ann Santos, wish na tangkilikin ang manonood ang kanyang movie

Judy-Ann-SantosWISH TALAGA ni Judy Ann Santos ay tangkilikin ng mga manonood ang T’yanak movie niya, dahil una, sa sobrang busy niya ay madalang na siyang gumawa ng pelikula ngayon at gusto niya talagang makatrabaho ang master directors na sina Peque Gallaga at Lore Reyes.

ADVERTISING

Sabi pa ng dalawang direktor, kahit superstar na si Juday ay hindi ito kinakitaan ng kaartehan sa set. Hindi rin ito nagpa-primadona. Kung kinakailangang dumihan ang mukha o i-deglamorize nang husto ay walang problema kay Juday, dahil ganu’n nga siya kabilib sa dalawang director.

“Tingnan n’yo nga ang poster, buti at pumayag siyang hindi siya nakaayos at mukhang hingal na hingal pa habang takot na takot,” sabi nga ng isang staff sa amin.

Showing na ngayon in all SM Cinemas ang T’yanak at me mga nakapanood na ng advance screening na nakakalokah raw talaga ang movie.

ADVERTISING

Teka nga’t mapanood.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING