Judy Ann Santos, waging Best Actress sa Cairo International Film Festival

ADVERTISING
Leo Bukas

MAYROON na rin sa wakas na international acting award si Judy Ann Santos. Wagi ang acting niya sa pelikulang Mindanao ni Brillante Mendoza ng Best Actress sa katatapos lang na 41st Cairo International Film Festival.

Hindi nakalo ang aktres sa awards night kaya ang co-actor niyang si Allen Dizon sa Mindanao ang tumanggap ng kanyang award.

Judy Ann Santos, waging Best Actress sa Cairo International Film Festival
Judy Ann Santos in ‘Mindanao’

Pangalawang Filipino actress na si Juday na nanalo ng Best Actress sa Cairo. Taong 1995 nang unang magwagi si Nora sa prestehiyosong festival para sa pelikulang The Flor Contemplacion Story na idinirek ni Joel Lamangan.

Samantala, mapapanood ang Mindanao sa darating na Pasko bilang isa sa mga pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival. Marami na rin ang nagpe-predict na si Juday ang mananalong best actress sa MMFF this year dahil nanalo na siya ng international award sa Cairo.

ADVERTISING