Judy Ann Santos, in-unfollow ni Kris sa Instagram dahil kay PNoy

Judy Ann Santos, in-unfollow ni Kris sa Instagram dahil kay PNoy

Judy-Ann-SantosTRUE BA na in-unfollow na ni Kris Aquino si Judy Ann Santos sa photosharing app na Instagram matapos maghayag ng disgusto si Juday sa ‘di pagsipot ni PNoy sa arrival of honors ng 44 fallen soldiers nu’ng Thursday sa Villamor Airbase?

Sa halip ay mas inuna ng pangulo ang pagpunta sa inauguration ng isang car plant sa Laguna na malapit lang naman sa Villamor Airbase.

Hindi lang naman si Juday ang may parehong sentimyento, maging ang karamihan sa netizens ay hindi naitago ang ngitngit kay PNoy nang hindi man lang ito sumilip sa Villamor eh, hindi naman the whole day ang event sa car plant.

Si Ryan Agoncillo ay naging vocal din sa sentimyento sa ating Presidente.

Nu’ng may umokray nga kay Juday sa ipinost nitong picture ni Obama na kinansel ang event para daluhan ang mga namatay na sundalo nito nu’ng 2011 ay sinagot ito ni Juday na nagbabayad siya ng tax kaya may karapatan siyang magsalita.

Oh, well… abangan na lang natin kung ano ang masasabi ni Kris tungkol kay Juday.

Sana nga ay hindi na madamay ang kanilang friendship at hiwalay ang pulitika. After all, isang field lang naman ang kanilang kinabibilangan.

Oh My G!
by Ogie Diaz