Judy Ann Santos, tumigil muna sa pag-upload ng cooking videos dahil sa presyo ng bilihin

KAPANSIN-PANSIN na matagal nang hindi nag-uupload ng bagong cooking video ang Kapamilya superstar na si Judy Ann Santos. Maraming fans ang nag-aabang ng kanyang recipes sa Judy Ann’s Kitchen vlog channel na naiinspire sa galing ng aktres sa pagluto ng delicious meals.

Judy Ann Santos, tumigil muna sa pag-upload ng cooking videos dahil sa presyo ng bilihin
Judy Ann Santos cooks Pochero for husband Ryan Agoncillo

Si Juday ngayon ang guest co-host sa morning show na ‘Magandang Buhay’ with Jolina Magdangal and Melai Cantiveros. Sa programa ay in-explain ng aktres kung bakit nahinto siya sa pag-upload ng bagong cooking videos. Maraming Pilipino raw ngayon ang apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilhin at inflation.

“Hindi naman sobrang busy. Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala,” sambit ni Juday habang niluluto ang kanyang signature budget dish na Tinapa Rolls.

Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman. Tuma-timing lang din naman ako,” dagdag pa niya.

Para kay Juday, mas gusto niya na makarelate at makasunod ang kanyang subscribers. Mas bet niya na magpresent ng budget-friendly meals.

“After lang din ako roon sa reality ba. Eventually, gagawa. Gumagawa ako ng episode ng Judy Ann’s Kitchen ‘pag nabuo ko ‘yung sarili ko, ‘yung gusto ko siya, inspired ako kasi outlet ko ang Judy Ann’s Kitchen,”

“Ayoko siyang tratuhing trabaho. ‘Pag trinato ko siyang trabaho, mawawala na ‘yung genuine authenticity (ng show),” dagdag pa niya.

Buti pa si Juday, realistic. Kaya love na love namin eh!

 

Previous articleVLOG WATCH: Jojowain a Trotropahin with Ruru Madrid and Buboy Villar (OMG!)
Next article5 Things to Do in Clark, Pampanga