JUDY ANN SANTOS, SASABAK NANG MULI SA PELIKULA

ADVERTISING

 JUDY ANN SANTOS, SASABAK NANG MULI SA PELIKULA NATUPAD NA NGA ‘yung sinabi at ipinangako ni Judy Ann Santos na hindi naman niya basta-basta maiiwan ang showbiz kapag mayroon na siyang pamilya. Maglalaan lang talaga muna siya ng panahon para sa pamilya  nila  ni  Ryan  Agoncillo at sa kanilang mga anak na sina Yohan at Baby Luchio, pero magbabalik-showbiz din naman siya. Heto na nga at sa dami ng nambubulabog sa misis ni Ryan na magbalik-artista ay ang planong part 2 ng box-office hit niyang pelikulang Quija ang   magi-ging comeback mo-vie niya.

Napakasipag na tao ni Juday. Hindi siya sanay nang walang ginagawa. Ipinagpapasalamat din niya na napakabait ng baby nilang si Luchio, kaya naging napakabilis ng posibilidad na muli siyang makabalik sa paggawa ng pelikula at paglabas na rin sa teleserye. Pero mas mauuna muna ang pelikula, dahil pinaplano pa naman ang detalye para sa gagawin niyang pelikula.

ADVERTISING

Happy siyempre ang talent manager ni Judy Ann na si Tito Alfie Lorenzo dahil bonggang-bongga pa rin ang career ng kanyang Alaga na maihahalintulad sa naging kapalaran nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta, na pagkatapos magsipag-asawa, magbuntis at makapanganak ay hindi iniwan ng mga producers na nagtitiwala at magbibigay ng mga proyekto. Bagkus ay sila pa talaga ‘yung naghihintay kung kailan magi-ging available magtrabaho ulit si Juday.

NAKAKABITIN PA RIN ang mga pahapyaw na paliwanag ng kampo ni Denise Laurel kung bakit nawala ang karakter na kanyang ginagampanan sa teleseryeng Kristine ng ABS-CBN. Narito na kasi siya sa Pilipinas ngayon. Napabalita noon na umano’y buntis siya, kaya nagkaroon ng kung ano-anong problema, na nagresulta nga sa pagkawala niya sa ser-yeng pinagbibidahan ni Cristine Reyes. Pinabulaanan naman ang nasabing tsismis.

Lumutang din noon ang isyu na kaya raw nagdesisyon ang kampo ni Denise na umalis na lang sa teleserye ng Dos ay dahil sobra na raw ‘yung pagpapaseksi na ipinapagawa sa kanya sa kanyang mga eksena. Nakakapagduda naman siyempre ‘yon, dahil hindi naman pupuwede sa telebisyon ang mga eksenang sobrang seksi para masabing malaswa na. Si Cristine ang bida sa Kristine, pero kahit sexy star siya, ay hindi naman malalaswa ang mga seksi niyang eksena sa serye.

ADVERTISING

Sayang si Denise, dahil napakaganda ng kanyang role sa Kristine at sa simula hanggang sa panahong nawala siya sa serye ay napakarami niyang magagandang eksena, kung saan madalas ay natatalbugan pa niya si Cristine sa acting.

Ang karakter din ni Denise ang dahilan kaya nagkaroon ng lalim ang nasabing serye dahil siya ang unang pumunta sa malayong probinsiyang may hacienda ang kanyang Lolo, at sumunod na lang sa kanya ang karakter ni Cristine at do’n na nagsimulang gumanda ang kuwento. Nang mawala si Denise ay idinagdag na ang mga karakter nina Bangs Garcia at Iya Villania.

 JUDY ANN SANTOS, SASABAK NANG MULI SA PELIKULA

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING