Judy Ann Santos, napuno na?!

ADVERTISING

Judy Ann Santos, napuno na?!

Judy Ann Santos, napuno na?!PALAISIPAN SA ngayon ang nakarang tweet ni Judy Ann Santos sa @OfficialJuday na, “There’s a big difference between giving up and when you had enough.”

ADVERTISING

Ang tanong ng iba, hindi raw kaya ito sa nababalitang problema pa rin ni Judy Ann Santos sa isyung may matinding pinagdaraanan ang relasyon nilang dalawa ng asawang si Ryan Agoncillo? Kung matatandaan, nabalita noon pa na nagbabalak magsampa ng kasong annulment daw ang aktres para mapawalang-bisa na ang kasal nila ng asawa na agad namang Judy Ann Santos, napuno na?!binigyang-linaw ng dalawa na walang katotohanan at maayos ang relasyon nila.

May ilan namang nagsasabi na masama raw ang loob ni Juday sa nalalapit daw na pagkawala sa ere ng seryeng Huwag Ka Lang Mawawala.

Sa pakikipagpalitan naman ng tweets ng aktres kay @malwar28, na sumagot n ang aktres na lahat ng istorya ay may katapusan.

ADVERTISING

Nang tanungin kung bakit mawawala na agad ito sa ere. Balita rin na may alok daw ang TV5 para lumipat sa kanila ang aktres ngayong tapos na ang kontrata ni Juday sa ABS nun’g nakaraang Hulyo, sa ngayon nga raw ay wala pang negosasyong nagaganap kung pipirma muli si Juday para maging Kapamilya muli o pasasakabilang bakod ito sa Kapatid network.

Masasabing hindi klaro kung sa personal ba o propesyonal ang pinatutungkulan ni Juday sa kanyang tweet. Pero tiyak na lalabas din naman ang totoo sa kung ano ba ang ibig niyang sabihin sa kanyang naging mensahe.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING