Judy Ann Santos, may pinagseselosan kay Ryan Agoncillo?

ADVERTISING

Judy Ann Santos, may pinagseselosan kay Ryan Agoncillo?

Judy-Ann-SantosNGAYON PA lang ay pinaghahandaan na namin ang 19th anniversary ng Startalk.

Ang pagkakaalam ko, sa November 8 at 15 ang anniversary namin pero hindi pa naman na-announce, kaya abangan n’yo na lang.

Si Joey de Leon kasi, tuwing nagbi-birthday, nasa abroad ‘yan. Pupunta yata sila ng London at ang alam ko makakasama niya sina Mike Enriquez at ilang mga kasamahan nila nu’ng napasama sila sa pilgrimage sa Holy Land.

Kaya pagbalik pa ni Joey saka itutuloy ang anniversary namin.

ADVERTISING

May mga bagong segments daw kami para sa pagpasok ng 20th year ng aming showbiz talk show.

Ang isa sa aabangan n’yo sa Sabado ay ang guesting ni Judy Ann Santos para i-promote ang pelikula niyang T’yanak na magsi-showing na sa October 29.

Sana matuloy ang one-on-one namin dahil marami akong nakaiintrigang itanong sa kanya.

Isa na rito ay kung totoong meron daw siyang pinagseselosan ngayon kay Ryan Agoncillo.

Sabi naman ni Juday, kapag nagseselos daw siya, hindi raw mahahalata ni Ryan. Kasi ganu’n din daw ang asawa niya na kapag nagseselos ito, hindi rin daw nagpapahalata.

Kaya abangan n’yo na lang kung hindi nga magpapahalata si Judy Ann. Pipigain ko s’ya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING