Judy Ann Santos, mauudlot ang gagawing soap dahil sa pagbubuntis?

ADVERTISING

Judy Ann Santos, mauudlot ang gagawing soap dahil sa pagbubuntis?

Judy-Ann-SantosGOOD NEWS na nga ang ibinalita ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga nu’ng kamakalawa ng hapon dahil sa nakumpirma na ngang buntis si Judy Ann Santos.

ADVERTISING

Ipinakita ni Ryan ang litrato ng ultra sound na kung saan nabubuo na ang kanilang baby at may heartbeat na ito.

Medyo maselan kasing magbuntis si Juday kaya talagang tinitiyak muna nila na okay bago nila ito i-announce. Kaya nang kinumpirma na mismo ng kanilang doktor, ibinalita na nilang 9 weeks and 1 day na raw nu’ng Miyerkules ang dinadala ni Judy Ann.

Kaya ang hashtag nila sa kanilang pinu-post sa Instagram account ay #kuyanasilucho.

ADVERTISING

Nakikita namang excited ang bagets nila na magkaroon ng kapatid at kuya na kuya na nga ang dating ni Lucho.

Nakatutuwa naman dahil matagal nang hinihintay ito ng mag-asawang Ryan at Juday. Sabi nga nu’n ni Juday, okay na sila kapag magkaroon sila ng isa pa.

Kaya maingat ngayon si Judy Ann dahil medyo maselan nga siya magbuntis.

Kaya ewan ko kung matutuloy pa ang soap niya na gagawin kasama sana si Richard Yap.

Ang pinagkakaabalahan niya yata ngayon ay ang cookbook na malapit na niyang i-launch.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING