Judy Ann Santos, maselan ang pagbubuntis

Judy Ann Santos, maselan ang pagbubuntis

Judy-Ann-SantosUMALIS NA pala patungong Hong Kong ang Dabarkads ng Eat Bulaga at doon nga naiisyuhang magpapakasal na raw roon sina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Ang isa pang kuwento riyan sa pag-alis nila ng Hong Kong ay hindi na raw sasama si Ryan Agoncillo, dahil nga kailangan niyang bantayan si Judy Ann Santos.

As of now, hinihintay pa rin nila ang resulta kung matutuloy ba ang pagbubuntis ni Judy Ann o hindi.

Kaya ayaw muna nilang magsalita tungkol diyan kasi nga hindi pa talaga nila sure kung mabubuo o hindi.

Nangyari na kasi ‘yan noon na ang buong akala nila mabubuo na, hindi yata na-fertilize, kaya nalungkot sila nu’n.

Kaya ngayon ay dinarasal nila na sana mabuo na this time, kasi nga matagal na rin nilang inaasam na masundan na si Lucho.

Maselan daw talaga kasing magbuntis si Judy Ann kaya pinag-iingat na nila ito. Sana nga matuloy na itong pagbubuntis niya.

Alam ko next week may schedule sila uli ng check-up at du’n malalaman kung may heartbeat ang dinadala ni Judy Ann.

Sana tulungan nating ipag-pray na matuloy na itong ipinagbubuntis ni Juday.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis