Judy Ann Santos, magpapahinga sa showbiz para masundan ang bunso

ADVERTISING

Judy Ann Santos, magpapahinga sa showbiz para masundan ang bunso

Judy-Ann-SantosMABUTI NA lang at special guest namin si Judy Ann Santos nu’ng hapong ‘yun para sa promo ng pelikulang T’yanak na magsu-showing na sa October 29.

Open si Juday na sagutin ang lahat na isyu, at totoong-totoo siya sumagot.

Sa mga leading men na na-link sa kanya, tanging si Wowie de Guzman lang ang inamin niyang naging sila, at dala lang daw ‘yun ng kapusukan ng kabataan niya.

Hindi raw ‘yun pinagselosan ni Ryan Agoncillo, at kahit merong selosan sa kanila, hindi raw nila pinahahalata. Basta iba-ibang style daw sila kung magselos.

ADVERTISING

Pero maayos ang kanilang samahan at ang tanging wish lang naman nila ay masundan si Lucho.

Willing si Juday na magpahinga muna sa showbiz kung sakaling mabuntis siya, dahil siyempre hindi na rin naman daw siya kabataan na, hindi ganu’n kadali ang ma mabuntis kaya magiging maingat na raw siya.

Pagkatapos yata ng showing ng T’yanak ay magbabakasyon silang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak. Kailangan na nga nilang karerin na magkaanak uli.

Puring-puri pala ni Juday ang mga co-stars niya na sina Tom Rodriguez at Solenn Heussaff dahil wala raw silang kaproble-problema sa shooting,

Kasama rin si Sid Lucero, pero nakatrabaho na niya yata si Sid, at first time pa lang sina Tom at Solenn. Bilib na bilib si Judy Ann dahil kahit pagod daw sila sa taping, hindi nila pinapakita ‘yan sa shooting ng T’yanak na talagang pahirapan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING